National News
Dating Palace spokesman, pinuna ang pabago-bagong desisyon ni PBBM sa ICC, Cha-Cha, China at peace talks
Sa pinakahuli nitong vlog ay pinuna ni former Presidential Spokesman Harry Roque ang tinawag niyang pag-balentong ni Pangulong Bongbong Marcos sa iba’t ibang issue sa bansa.
Partikular na sa usapin ng kooperasyon ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC), Charter Change (Cha-Cha), pakikitungo sa China at peace talks sa mga terorista.
Ayon kay Roque, nasa Malacañang siya noong nakaraang taon nang manindigan si Marcos Jr. laban sa ICC na sinuportahan naman ng pahayag ni Justice Secretary Boying Remulla.
Ngunit, nito lamang huli, sinabi ni Mr. Marcos na pinag-aaralan ng punong ehekutibo ang pagsali uli ng Pilipinas sa ICC.
“Of course, sasabihin ng marami tao lang si PBBM kaya puwede siyang bumalentong. Pero unang-una po ha, ang bilis ng pagbabalentong. Sa ICC, sa pitong buwan, naka-balentong siya dalawang beses. Walang jurisdiction, pag-aaralan ang ICC sinabi ni Remulla huhulihin pag-pumasok tapos papapasukin at magko-cooperate tapos ngayon hindi na naman magko-cooperate,” ayon kay Atty. Harry Roque.
Crucial ang ICC dahil pina-aaresto nito si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa drug war.
Si dating Pangulong Duterte ang natatanging presidente ng Pilipinas na lubhang mataas ang trust and approval rating sa pagbaba nito sa pwesto, palantandaan ng suporta dito ng taumbayan.
Pinuna rin Atty. Roque ang pabago-bagong pahayag ng presidente sa Cha-Cha na noong una ay si Marcos Jr. mismo ang nagpahayag na hindi ito prayoridad.
“Sa Charter Change, isang taon puwede ba naman ‘yung your both against, not a priority and now is a prioty? Isang taon ang po ang nakalipas,” dagdag pa ni Roque.
Nakakahilo rin ani Roque ang peace negotiations ng gobyerno sa mga kalaban ng estado.
November 2023, nang magkaroon ng kasunduan ang Communist Party of The Philippines (CPP) at National Democratic Front (NDF) sa Philippine government sa Oslo Norway para ihinto na ang armed conflict sa bansa.
Pero, pagkatapos noon ay sunod-sunod na ang mga pag-atake at paghahasik ng lagim ng NPA.
“At sa CPP-NPA, anim na buwan lang? ang nakalipas bumalentong na.”
“Mantakin ninyo? Isang teroristang grupo na binansagan nating terorista makikipag-peace talks tayo? Helloooo? Balentong na naman!” sa pahayag pa ni Atty. Roque.
Pinaka-crucial naman ani Roque sa mga pabago-bagong desisyon ng punong ehekutibo ay ang pakikitungo nito sa China.
“Noong siya po ay nahalal, Hunyo, anong sabi niya? China si Philippines’ strongest partner. Oh diba? Eh ilang buwan lang ang nakalipas, ito po’y Pebrero 2023, PBBM hailed for stance vs China. Sabi ni PBBM hindi patitinag sa Chinese bullying sa West Philippine Sea,” saad pa nito.
Sa huli, nanindigan naman is Roque na sanay magkaroon ng kasulatan si Marcos Jr. laban sa ICC dahil mabilis lamang raw bawiin ang mga salita kapag nagkaipitan.
Nauna namang sinabi ng Philippine National Police (PNP), Office of the Solicitor General at iba pang law enforcement agencies na hindi nila ii-enforce kung magse-serve ng warrant of arrest ang ICC laban sa mga Duterte.
“Kung magbago na naman si presidente ng isip at sabihin okay napakagulo niyan at magde-destab yang mag-amang Duterte na ‘yan, oh sige pahuli na ‘yan… Tatawagan lang niya ang isang gabinete, ‘yung gabinete tatawagan agad mataas na opisyal ng PNP, arestuhin na ‘yan,” giit pa nito.
