National News
Dating Pang. Duterte, binisita ni Press Sec. Cruz-Angeles sa Davao City
Tumanggap ng pagbisita si Former President Rodrigo Duterte mula kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles nitong Agosto 26.
Sa isang statement, kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang kanyang pagbisita kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City kung saan ibinahagi nito ang kanilang naging diskusyon.
Aniya, Maayos ang kalagayan ng former president at patuloy pa rin ang serbisyo publiko bilang isang pribadong mamamayan.
Sa kanilang pagkikita, natanong ni Cruz Angeles si dating Pangulong Duterte kung ano ang pinagkakaabalahan nito ngayon.
Inihayag ng press secretary na ini-enjoy ngayon ng former president ang kanyang retirement.
Kinahihiligan din ni FPRRD ang pagbabasa upang manatiling mentally alert, gayundin ang pakikipag usap sa mga tao at ang pag-motorbike riding.
Nitong mga nakaraang buwan, na-interbyu ni Cruz Angeles si dating Pangulong Duterte patungkol sa librong ‘Salamat PRRD’ at nagkaroon ng maiksing personal discussion hinggil sa kasaysayan.
Sinabi ng press secretary na nais ng former chief executive na magkaroon pa ng mas maraming kaalaman patungkol sa Philippine revolution at ng Katipunan.
“He said he wanted to know more about the Philippine revolution and the Katipunan. Fortunately, I had brought with me Nick Joaquin’s book, A Question of Heroes and gave it to him,” saad ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.
Nangako naman ang Palace official na dadalhan pa nito si dating Pangulong Duterte ng maraming libro sa kanilang susunod na pagkikita.
Mababatid na ‘bookworm’ kung mailarawan ng mga kaibigan at kasamahan sa trabaho si Pangulong Duterte na madalas binabasa ang patungkol sa history, geopolitics, at foreign policy.
Sa kanilang naging diskusyon din, kinamusta ni FPRRD si Cruz Angeles sa kanyang trabaho, at sinabi ng press secretary na maayos naman ito at ibinahaging maayos din si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. at mabuti ang kalusugan.
“He asked me how work was going, and I said it was going well and that the President is fine and in good health. He smiled, nodded and said that is good.“ ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.
Kaugnay nito, pinasalamatan ni Cruz Angeles si Senator Christopher Bong Go sa mga larawan na ibinahagi nito kasama ang dating pangulo.
Samantala, sa isang Facebook post ni Senator Christopher Bong Go nitong Agosto 27, ibinahagi nito ang isang video kasama si Dating Pangulong Duterte.
Nakasaad sa caption nito na kasama niya si FPRRD pabalik ng Maynila.
Sa mensahe ni Former President Duterte, kinamusta nito ang taumbayan kasabay ng kaunting paalala.
Matatandaang huling nakita ng publiko sa Metro Manila si dating Pangulong Duterte noong June 30 sa Malakanyang nang nagkaroon ng official turnover ng panunungkulan kay Pangulong Bongbong Marcos.