Connect with us

Dating Pang. Duterte, idinetalye kung paano nalaman na kasama umano sa drug list ng PDEA si PBBM

Dating Pang. Duterte, idinetalye kung paano nalaman na kasama umano sa drug list ng PDEA si PBBM

National News

Dating Pang. Duterte, idinetalye kung paano nalaman na kasama umano sa drug list ng PDEA si PBBM

May banat ulit si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa issue ng umano’y paggamit ng iligal na droga ni Presidente Bongbong Marcos.

“Ako, mayor pa ko, kay duol man gyud ko sa military, duol man gyud ko sa military, naay mga military nga na-assign sa PDEA, gipakita gyud ko katong nigawas ang mga dokumento ako’y una nakakita ato nga sibilyan,” ayon kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“Ako, mayor pa ako. Malapit na talaga ako sa military, talagang malapit ako sa military. Mayroong mga military na na-assign sa PDEA. Ipinakita talaga sa aking ‘yung mga lumabas (nag-viral) na mga dokumento. Ako ang pinakaunang sibilyan na nakakita noon.”

‘Yan ang rebelasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng libo-libong tao sa Defend the Flag Peace Rally sa Tagum City.

Nakarating kay Duterte ang PDEA documents mula sa political vlogger na si Maharlika na viral ngayon sa internet.

Laman ng PDEA pre-operations report si Pangulong Bongbong Marcos Jr. at isang kilalang babaeng artista na target ng isang anti-drug operations noong March 2012.

Senador noong mga panahong iyon si Marcos Jr. habang Davao Mayor si Duterte.

“Mayor man lang ko, senador gud to,” saad pa ng dating pangulo.

“Mayor lang ako noon, at siya ay senador.”

“Katong na-presidente na ko, mao gihapon gipakita ko nila, ingon ko, ‘trabaho lang’ mao na ‘tong ilang giplanuhan-planohan pero na-udlot kay ang katong plano sa PDEA, mag-raid unta ngadto sa unit, sa condo unit ni Maricel Soriano, didto man sila naga-polvoron…”

“Noong nag-presidente na ako, ‘yung parin ang pinakita nila sa akin. Sabi ko naman sa mga otoridad, trabaho lang. Kaya ‘yung kanilang pinagpaplanuhan, naudlot. Kasi ang plano ng PDEA, magsagawa sana ng raid sa condo unit ni Maricel Soriano. Doon man sila nagpo-polvoron.”

Sabi ng PDEA, peke ang mga dokumentong nag-viral sa social media.

Wala raw ganoong pre-ops sa kanilang Plans and Operations Reports Management Information System (PORMIS).

“Mahibaw-an man nimo na ang tawo kay mag sige ma’g (coke jaw) naa ngari opisyal nga usahay kanang bag-o pa sa buntag siguro… dili mukuan ang baba kaayo… mao na ug nakabantay mo ngari, magsigeg tulo ang sip-on,” ani Duterte.

“Malalaman mo ‘yung tao na laging mag (PRRD does coke jaw). Meron nga ditong opisyal na minsan kahit umagang-umaga siguro… hindi na gumagalaw ang baba. ‘Yan ‘yun at kung nakahalata kayo, laging tumutulo ang sipon.”

Sa kaparehas na rally, nanawagan ang dating executive secretary at chief of staff ni Marcos Jr. na si Atty. Vic Rodriguez na magpa-drug test ang lahat ng mga taga-gobyerno.

Kasama na doon si Marcos Jr.

Pero hanggang ngayon, walang sagot ang presidente sa hamong magpa-drug test ito.

“Kung ang ating mga sundalo tagapagtanggol, at ang ating mga pulis na siyang namamahala ng katahimikan at kapayapaan, ay sumailalim sa periodic drug test. Bakit kailangan exempted ang ating mga national leaders?” ayon naman kay Atty. Vic Rodriguez.

Hangga’t walang malinaw na sagot sa isyu ng umano’y illegal drug use ni Pangulong Marcos Jr. ay hinding-hindi matatahimik ang taumbayan.

Lalo na kung isang dating presidente na may access rin sa mga sensitibong report ang nagsasabing totoong gumagamit ng iligal na droga ang kasalukuyang pangulo.

“Baw’an nimo ang ga-cocaine kay sige man na’g agas, sige na’g… for demonstration only, dili ko bangag ha,” pahayag pa ni dating Pang. Duterte.

More in National News

Latest News

To Top