Connect with us

Dating Pang. Duterte, nagbigay ng payo sa mga kandidato para sa BSKE

Dating Pang. Duterte, nagbigay ng payo sa mga kandidato para sa BSKE

National News

Dating Pang. Duterte, nagbigay ng payo sa mga kandidato para sa BSKE

Higit 1-M kandidato na para sa Barangay at SK Elections (BSKE) ang nag-file ng kanilang Certificates of Candidacy (COC) para sa darating na eleksyon sa Oktubre.

Ayon kay Commission on Election (COMELEC) Chairman George Garcia, inaasahan na ng ahensya ang mainit na tunggalian sa eleksyon dahil na rin sa napahabang termino ng barangay at SK officials dahil na rin sa sunod-sunod na postponement nito.

Kaugnay nito ay mayroon namang payo si dating Pang. Duterte sa mga kandidatong kwalipikado na tumakbo sa darating na eleksyon.

“Ang masasabi ko lang is I am appealing to everybody na if you are qualified do not mess up with the laws you file on time and the campaign during the limited period given to us. Do not try to complicate matters by just doing not the right thing. Sundin mo lang ang batas, make the election peaceful, nobody wants to trouble kung magpili lang man ng Barangay captain governor or Mayor bakit pa kayo magpatayan diyan, eh di kampanya na lang kayo, it’s a matter of asking the people to make a choice between you and your opponent and may the best man win,” ayon kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ani Duterte, dapat ay sumunod lamang ang mga ito sa patakaran na inilatag ng COMELEC upang maiwasan na magkaroon ng problema.

“Just observe the law as an advice, just follow the rules you know there are rules just follow them wala tayong problema.”

“Alam mo may rules eh….just follow the rules,” dagdag pa ng dating pangulo.

Samantala, ayon sa dating pangulo, wala nang kinakailangan pang reporma para sa darating na eleksyon dahil maayos naman ang sistema ng eleksyon sa bansa

“Wala naman I think everything is incorporated in the election law for any election for that matter national local pati I think barangay.”

Ipinagmalaki naman ni Duterte na kailanman ay hindi nagkaroon ng magulong eleksyon sa Davao City.

Ito ay dahil palaging nitong nililinaw na dapat ay maging malaya ang mga tao sa pagpili ng mga nais nitong iluklok sa posisyon.

“Dito sa Davao tayo ano we never had a history of violent elections, ako nung kandidato ako samin sinasabi ko talaga sa mga tao, walang pilitan, walang violence, make the people make the right choice,” ani dating Pangulong Duterte.

Kaugnay nito, inaasahan naman na higit 2-M COC ang matatanggap ng COMELEC para sa darating na eleksyon.

More in National News

Latest News

To Top