Connect with us

Dating Pang. Rodrigo Duterte, posibleng magkakampanya ng kandidato sa susunod na national elections 

Dating Pang. Rodrigo Duterte, posibleng magkakampanya ng kandidato sa susunod na national elections 

National News

Dating Pang. Rodrigo Duterte, posibleng magkakampanya ng kandidato sa susunod na national elections 

Asahan na maglalatag ng mga susuportahang kandidato sa susunod na halalan si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang programa sa Gikan sa Masa Para sa Masa sa SMNI kasama si Pastor Apollo C. Quiboloy ay sinabi ng dating presidente na mas makabubuti kung pipili siya ng mga kandidatong patatakbuhin sa susunod na halalan.

Ito ay nabanggit ni Duterte matapos napag-usapan sa kanyang programa ang unti-unting paglipat ng kanyang mga dating kaalyado sa PDP-Laban sa ibang partido.

Magugunita na una nang inihayag ni Duterte na wala syang pakialam kung sya na lang mag-isang matitira sa PDP-Laban.

Ito ay sa kabila ng pag-atras ng mga kongresista sa kanilang dating mainit na suporta sa kanya kaugnay sa umanoy destabilisasyon sa Kamara na pinalulutang ni House Speaker Martin Romualdez.

More in National News

Latest News

To Top