National News
Dating Pangulong Rodrigo Duterte, pasok sa top 12 ng senatorial survey ng SWS nitong Abril
Pasok si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa top 12 ng isinagawang senatorial survey ng Social Weather Stations (SWS) nitong buwan ng Abril.
Nakuha ng dating pangulo ang ika-10 pwesto sa naturang senatorial survey.
Nanguna naman dito si dating Senador Manny Pacquiao na sinundan ni Senator Bong Revilla at dating Senador Tito Sotto.
Nakuha naman ni Senator Bong Go ang pang-apat na pwesto na sinundan ni dating Senador Manny Villar at Lito Lapid.
Nasa pang-anim na pwesto naman si Senator Bato Dela Rosa na sinundan ng presidential sister na si Senator Imee Marcos.
Pang-siyam na pwesto naman si dating DSWD secretary at ngayon ay ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo.
Habang pang-labing-isa at pang-labindalawang pwesto naman sina dating Senador Panfilo Lacson at Senator Pia Cayetano.
Pero matatandaan na sa kanyang programang ‘Gikan sa Masa, Para sa Masa’ sa SMNI ay patuloy na naninindigan si dating Pangulong Duterte na hindi na ito tatakbo pa sa anumang posisyon sa gobyerno.
