Connect with us

Dating Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro, pormal nang sinampahan ng kaso

Pormal nang sinampahan ng kaso si dating Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro dahil sa alegasyon ng pangmamaltrato sa kanyang Filipina household helper sa Brasilia.

National News

Dating Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro, pormal nang sinampahan ng kaso

Pormal nang sinampahan ng kaso si dating Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro dahil sa alegasyon ng pangmamaltrato sa kanyang Filipina household helper sa Brasilia.

Ito ang kinumpirma ni Foreign Affairs Secretary Foreign Affairs Teodoro “Teddy Boy” Lopez Locsin Jr.

Ayon kay Locsin, nagpadala na rin siya ng memo kay Pangulong Rodrigo Duterte ukol dito.

Sinabi ng kalihim na ang hearing panel’s report at charge ay ipapasa at aaprubahan o hindi aaprubahan ng board of foreign service administration at ng kalihim.

Samantala, kinumpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE) na bumuo na ng fact-finding team ang Department of Foreign Affairs (DFA) na tututok sa kaso ni Ambassador to Brazil Marichu Mauro.

Kasabay nito ay sinabi pa ni Labor Secretary Silvestre Bello III na inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa pangmamaltrato ni Mauro sa kanyang kasambahay sa Brazil.

Nilinaw ng DOLE na magbubuo ng panel na hahawak sa isasagawang imbestigasyon at ito rin ang gagawa at magsusumite ng report sa Board of Foreign Service Administration.

Makaraan nito ay ipapasa naman kay Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin ang resulta ng imbestigasyon at si Locsin na rin anya ang magrerekomenda sa pangulo kung ano ang posibleng maging parusa kay Mauro.

More in National News

Latest News

To Top