Connect with us

Dating PNP Chief Albayalde, pinadadalo na sa pagdinig ng DOJ 

National News

Dating PNP Chief Albayalde, pinadadalo na sa pagdinig ng DOJ 

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guverra na naipadala na kay dating PNP Chief General Oscar Albayalde ang subpoena para padaluhin sa susunod na pagdinig sa Nobyembre a-5.

Magugunitang nito lamang nakaraang Lunes ay isinama na si Albayalde sa amended referal complaint na inihain ng PNP-CIDG bilang akusado sa reklamong kaugnay sa mga ‘ninja cops’ na nagre-recycle ng mga iligal na droga.

Si Albayalde ay sinampahan ng reklamong paglabag sa Section 27 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bukod dito, sinampahan din si Albayalde ng kasong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Falsification by Public Officer at Dereliction of Duty.

More in National News

Latest News

To Top