Connect with us

Dating PNP official, tinukoy ang magulong chain of command; CPNP Marbil, tikom sa utos vs. FPRRD.

Dating PNP official, tinukoy ang magulong chain of command; CPNP Marbil, tikom sa utos vs. FPRRD.

National News

Dating PNP official, tinukoy ang magulong chain of command; CPNP Marbil, tikom sa utos vs. FPRRD.

Nagkaroon ng kontrobersiya sa bagong chain of command sa Philippine National Police (PNP) matapos aminin ni Justice Secretary Boying Remulla na siya ang nagbigay ng clearance para sa operasyon laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa isang retiradong opisyal ng PNP, nagdududa siya sa naging proseso ng utos at kung may sapat na chain of command ang PNP, lalo na matapos marinig ang mga pahayag sa Senado.

Ang dating PNP official na si Lieutenant General Filmore Escobal ay nagtanong kung may “chain of command” pa ba ang PNP, sapagkat ang utos mula sa Department of Justice (DOJ) at Department of the Interior and Local Government (DILG) ay hindi bahagi ng kanilang mga operasyon, na ayon sa kanya ay dapat mula lamang sa Pangulo bilang commander-in-chief.

Sa Senate hearing, ipinagtanggol ni Remulla ang paggamit ng “executive privilege” para sa operasyon, ngunit hindi siya nagbigay ng konkretong sagot kung sino ang nag-utos ng pag-aresto kay Duterte.

More in National News

Latest News

To Top