Connect with us

Dating Quezon City Mayor Herbert Bautista, kinasuhan sa Ombudsman

Dating Quezon City Mayor Herbert Bautista, kinasuhan sa Ombudsman

Metro News

Dating Quezon City Mayor Herbert Bautista, kinasuhan sa Ombudsman

Naghain ng reklamo sa Office of the Ombudsman ang lokal na pamahalaan ng Quezon City laban sa dating alkalde nito na si Herbert Bautista at dalawang dating opisyal.

Kaugnay ito sa P25-M contract na hindi umano dumaan sa approval ng Sangguniang Panlungsod.

Nakasaad sa inihaing reklamo ng QC Government na paglabag sa local government code ang paggawad ng 3 akusado sa Cygnet Energy and Power Asia ng kontrata para sa solar power at water proofing ng siyudad.

Inaprubahan din umano ni Bautista ang pag-release ng pondo kahit bigo ang ginawarang contractor na i-deliver ang mga kinailangang materyales.

Kasama ni Bautista sa kinasuhan sina dating City Administrator Aldrin Cuña at Former City Enginner Joselito Cabungcal.

More in Metro News

Latest News

To Top