Connect with us

Dating Sen. Enrile sa kanyang viral memes sa social media: ‘Okay lang yun’

Kumalat ang iba't ibang memes ni dating Senador Juan Ponce Enrile sa social media. Hindi maitatangging ikinatuwa ito ng mga netizen dahil umaabot ng libo ang likes and shares nito at makikitang kanya-kanyang memes ang inilabas patungkol sa dating senador.

National News

Dating Sen. Enrile sa kanyang viral memes sa social media: ‘Okay lang yun’

Kumalat ang iba’t ibang memes ni dating Senador Juan Ponce Enrile sa social media. Hindi maitatangging ikinatuwa ito ng mga netizen dahil umabot nang libo ang likes and shares nito at makikitang kanya-kanyang memes ang inilabas patungkol sa dating senador.

At kamakailan nga lang ay mismong ang apo nitong si Kris Ponce-Enrile ang nag-post ng short video ng ‘the legend’ kung saan sinabi ng senador ang “Covid, go away!”

Sa panayam ng Sonshine Radio sa Dito sa Bayan ni Juan kung saan anchor din si Enrile, isang netizen ang natanong kung ano ang reaksyon niya patungkol sa kanyang pagiging viral sa social media.

Aniya, okay lang daw ito sa kanya at marami ngang nagpapadala sa kanya ng mga meme.

“Okay lang yun. Marami akong naririnig na nagpapagdala sa akin. Okay lang yun.”

Ayon naman sa kapartner nito sa kanilang programa na si Jess Arranza, masasabing may ‘asim’ pa ang dating senate president dahil pinag-uusapan pa siya ng publiko.

Mas mainam aniya ito kaysa hindi na pinag-uusapan dahil ibig sabihin ay nalimutan na siya.

“Ang sabi ng isang kaibigan ko, ang tao ‘pag pinaguusapan pa, mabuti man o panloloko man, o ano mang bagay, ibig sabihin may asim ka pa kasi pinag-uusapan ka pa. Ang masama kapag hindi ka pinag-uusapan ibig sabihin, nalimutan ka na,” saad ni Arranza.

Samantala, ibinahagi naman ni Enrile ang kanyang ginagawa habang community quarantine.

Ani Enrile, nagbabasa at pinag-aaralan niya ang mga darating pang problema sa bansa.

Hindi aniya huli ang na tatama sa bansa kundi pagsisimula lamang ito ng mas matindi pang problema.

“Nandito lang ako sa bahay. Kagaya niyan wala akong ginagawa kung di nag-aaral o nagbabasa. At pinag-aaralan ko yang mga darating na problema. Hindi lang ito ang tatama sa atin. Basta, bagong kurtina ito na binubuksan ng kalikasan, ng ating mundo, maraming darating na mga problema na kasing bigat nito. Pero ito ay mabigat dahil hindi natin nakikita ang kalaban natin. Pinapatay tayo pero hindi natin nakikita kaya natotorete ang buong mundo. Hindi lang isang bansa ang sinalakay, ang buong planeta, the entire humanity is threatened,” pagbabahagi ni Enrile.

Panoorin ang buong panayam sa DZAR 1026 Sonshine Radio YouTube Channel.

More in National News

Latest News

To Top