Connect with us

Dating Sen. Leila de Lima, ikinagalak ang desisyon ng korte na siya’y makapagpiyansa

Dating Sen. Leila de Lima, ikinagalak ang desisyon ng korte na siya'y makapagpiyansa

National News

Dating Sen. Leila de Lima, ikinagalak ang desisyon ng korte na siya’y makapagpiyansa

I’m finally free!

Ito ang mga salitang sinambit ni dating Senador Leila de Lima matapos saglit na lumabas sa Philippine National Police (PNP) Custodial Facility sa Camp Crame ngayong hapon.

Nabatid na pinayagan si De Lima ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 206 na makapagpiyansa sa kanyang drug case.

Ayon kay De Lima, ganap na siyang malaya matapos ang 6 na taon, 8 buwan at 21 araw sa kulungan.

Matapos makapagpiyansa ng P300-K ay ibinalik si De Lima sa Crame dahil may mga proseso na kailangan gawin kabilang ang physical at medical examination.

Sa sandaling nakumpleto ang pagsusuri ay ituturn-over na si De Lima sa kanyang abugado o kamag-anak.

More in National News

Latest News

To Top