Connect with us

Dating Sen. Pacquiao, tanggal na sa PDP Laban party

Dating Sen. Pacquiao, tanggal na sa PDP Laban party

National News

Dating Sen. Pacquiao, tanggal na sa PDP Laban party

Tanggal na sa PDP Laban party si dating Senador Manny Pacquiao.

Ito ang kinumpirma ni Senador Ronald Bato Dela Rosa sa panayam ng Sonshine Radio.

Ayon kay Senador Bato, pinagtibay ng National Executive Committee ng PDP laban sa kanilang pagpupulong noong Lunes, ang resolusyon na nagtatangal kay Pacquiao sa partido.

Matatandaan na nagkaroon ng sigalot sa hanay ng PDP Laban noong nakalipas na taon matapos na magkaroon ng paksyon ang partido na pinamunuan nina Pacquiao at Sen. Koko Pimentel.

Giit ng kampo ni Pacquiao at Pimentel na sila ang lehitimong PDP Laban ngunit sa pinakahuling desisyon ng COMELEC ay ang kinikilala nila ay ang PDP Laban Cusi Wing kung saan andoon din si dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang kanilang lider.

More in National News

Latest News

To Top