Connect with us

Dating Sen. Trillanes, nilutang ni Sen. Bato sa isyu ng Pilipinas sa ICC

Dating Sen. Trillanes, nilutang ni Sen. Bato sa isyu ng Pilipinas sa ICC

National News

Dating Sen. Trillanes, nilutang ni Sen. Bato sa isyu ng Pilipinas sa ICC

Nilutang ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang pangalan ni dating Senador Antonio Trillanes IV kung kaya’t nagkaroon ng imbestigasyon ang International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas ukol sa war on drugs ng nakaraang administrasyon na sinasabing sangkot sa extra judicial killings.

Ayon kay Bato, si Trillanes ang kasama sa pagsasampa ng kaso ng principal complainants sa ICC noon at kalaunan, binawi ng complainants ang statement dahil ang lahat ng sinasabi laban sa war on drugs ay pawang kasinungalingan.

Sinabi pa ni Bato na tila pinangakuan ng pera ang complainants subalit mukhang nagkaroon ng onsehan o inistapa.

“Kung individual ang kaso, kayang-kaya man ‘yan ng korte natin. Bakit pa makikialam ang ICC. Bakit ka pa magpunta doon, si Jude Sabio nagpunta ng ICC para mag complain dahil prinamisan daw siya ni Trillanes, then nagka-estafahan, nagwithdraw o nagrecant ng kanyang statement ‘di ba,” ani Sen. Bato Dela Rosa.

Dahil dito, naniniwala si Bato na walang dahilan para muling imbestigahan ng ICC ang Pilipinas bukod pa sa hindi na miyembro ang ating bansa ng naturang organisasyon.

Nagtataka rin ang senador kung bakit ganito ka interesado ang ICC na imbestigahan muli ang Pilipinas sa EJK kung saan tiwala ang mambabatas na galit na galit kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ang nasa likod nito.

Hamon pa ni Dela Rosa sa mga nasa likod nito na kung talagang gusto nila ng hustisya, tulungan ang mga complainants na magsampa ng kaso sa ating korte at hindi sa kung anong korte.

“Mayroong nakulong, may na conviction, meaning mayroon talagang paglabag. Pero ‘wag naman nila ‘yang i-lump into one basket of eggs na ganoon. Because I know ang habol nila ay hindi itong mga pulis na nag-abuso kundi si Pangulong Duterte, ‘yan ang habol nila. Gusto nila palakihin ang sitwasyon because of Political hatred towards PRRD. ‘Yung opposition na ‘yan lead by Trillanes and company,” dagdag pa ng senador.

Dagdag pa ni Bato na dapat ang pagsasampa ng kaso ay dapat lamang sa akusado na gumawa ng pang-aabuso at ‘wag nang palawakin at gawing crimes of humanity ang krimen na talagang ginawa lamang ng iilang akusado.

Iginiit pa ng dating PNP Chief na unfair ito para sa mga pulis na namatay na naging tapat sa kanilang tungkulin para sa interes ng seguridad ng nakakaraming Pilipino kontra iligal na droga.

More in National News

Latest News

To Top