International News
Dating Thai prime minister, nahaharap muli sa isang kaso
Nahaharap muli sa isang kaso si dating Thailand Prime Minister Thaksin Shinawatra ayon sa Office of the Attorney General ng kanilang bansa.
Rason dito ang paninira ni Shinawatra sa Thai monarchy 9 na taon na ang nakalipas.
Matatandaang 3 buwan na ang nakalipas nang mapalaya ang dating prime minister para sa ibang kaso na kinakaharap nito.
Subalit kung mapatunayan ang paninira nito sa Thai monarchy ay makukulong ito ng hanggang 15 taon.
