Connect with us

Davao City Council kay PBBM: Iwasan ang giyera sa WPS

Davao City Council kay PBBM: Iwasan ang giyera sa WPS

National News

Davao City Council kay PBBM: Iwasan ang giyera sa WPS

Inaprubahan ng Davao City Council ang isang resolusyon na kumukundena sa ‘giyera’ bilang national policy sa ilalim ng Marcos Jr. administration.

Hakbang ito ng mga taga-Dabaw para ipanawagan kay Pangulong Bongbong Marcos na iiwas ang bansa sa posibiliad ng isang giyera na maaaring mag-ugat sa nagpapatuloy na tensyon sa South China Sea o kilala sa Pilipinas bilang West Philippine Sea (WPS).

Sa panayam ng SMNI News kay Davao City 1st District Councilor Tek Ocampo, iginiit nito ang matinding pagtutol ng mga taga-Davao na gamiting national policy ang pakikipag-giyera sa ibang mga bansa.

Sa panahon ngayon, kontra China dahil sa sigalot sa teritoryo.

“Tawag nga namin dito it’s a collective resolution by the city council renouncing war as an instrument of national policy. This is only a reiteration sa ating Saligang Batas na we are just reminding the people of Davao City and the country no na hindi tayo dapat pumasok sa ganong mga polisiya na magkakaroon tayo ng giyera,” ayon kay Davao City 1st District, Councilor Tek Ocampo.

Nababahala naman ang mga residente ng Davao na labis na pagkiling ng Marcos Jr. administration sa US government.

Kaya parang may lakas loob ngayon ang pamahalaan na mag-hamon sa China?

“Ngayon iba na kasi ang nangyayari, para bang… parang nagfe-flex ba. Oh, ano ha? Gusto mo? Dito ang Amerika oh sige oh. Sige? ‘Yung mga ganun,” saad pa ni Councilor Tek Ocampo.

Giit ni Councilor Ocampo, wala namang ganitong polisiya sa nagdaang Duterte administration.

Saad din nito, kahit malayo ang Davao City sa EDCA sites o mga Philippine Military bases na ginagamit ng US government na imbakan ng kanilang mga gamit pandigma na kadalasan ay nasa Norte at Visayas, ay minabuti pa rin nilang magpasa ng resolusyon para ipanawagan ang ‘no to war’ policy sa administrasyon.

“Kung sabihin natin anong pakialam natin? Malayo naman kasi sa Davao magkagulo ‘yan kayo lang sa Luzon. Or matamaan konti ang Visayas ano naman sa Palawan malapit? Oh, hindi naman ganun eh? Sa amin kasi we look at it in a wholistic view. Dapat tayong lahat magtutulungan. Kung kami dito ay nananawagan, dapat ang buong Pilipinas mananawagan din sana na walang sanang magkaroon ng giyera because ito ang iniiwasan natin,” ani Ocampo.

Kasabay niyan ay nanawagan naman ang Davao City Council sa iba pang mga lokal na pamahalaan sa Pilipinas na magpasa rin ng kaparehas na resolusyon habang may panahon pa para maiiwas sa ang bansa sa ganap na kapahamakan.

“Huwag nating palalain ang sitwasyon. Huwag tayong mananawagan na huli na ang lahat. Sabihin, wala namang nangyayari, okay naman eh? Wala namang gulo eh masyado naman kayong advance, masyado naman kayong alarmist. Kailan pa tayo gagalaw? Kailan pa natin hihimukin ang taumbayan na magdasal at makiisa sa no to war kung masyado nang mainit ang sitwasyon at maaari nang magkagulo? Dapat as early as now,” pahayag pa ni Councilor Tek Ocampo.

More in National News

Latest News

To Top