Connect with us

Davao City, kinubkob ng Marcos admin

Davao City, kinubkob ng Marcos admin

National News

Davao City, kinubkob ng Marcos admin

Isang dating opisyal ng Duterte administration ang naglabas ng kaniyang sama ng loob dahil sa mala awtoritaryanismong hakbang ng kasalukuyang administrasyon sa Davao City.

“Davao City, first time in the history sa Davao City, you are now under siege. The presence of the special action forces, 2 battalions is a manifestation of takeover in the city. This is what we call now a police state,” ayon kay FPRRD, Former Usec. DOE, Ben Ranque.

Lubos na ikinagalit ni Ben Ranque, national coordinator ng Marcos Alis Diyan Movement at dating Department of Energy (DOE) undersecretary ng nakaraang administrasyong Duterte, ang ginawang hakbang ng pamahalaang Marcos sa pagpapatanggal ng higit 30 police officers ng Davao City at palitan ng 2 batalyon ng PNP Special Action Forces (SAF).

Ikinababahala rin nito na posibleng baliktarin ng kasalukuyang administrasyon ang mga nagawa ng Duterte sa naturang lungsod.

“In 2015 noong mayor pa si tatay Digong number 5 safest city ang Davao, ‘yun nga ang pinag-malaki natin kung bakit nanalo ang mga Duterte, because we showcase Davao as peaceful city, most improved city, namamayagpag ang law and order so walang problema anong rason pupuntahan mo?”

“Kasi puwede nilang baligtarin ang history ng Davao paplantan nila ng anong klaseng krimen at ichacharge nila ay ito pala ito sinasabi nila na ang Davao ay safe, so ipaplant nila they will picture really that Davao is opposite ‘dun sa nangyari,” dagdag pa nito.

Paliwanag naman ni Atty. Arnedo Valera isang international human rights lawyer at pangulo ng hakbang ng Maisug USA, malaking lamat diumano ang ginawang pag-undermine sa awtoridad ni Mayor Sebastian Duterte na kaniyang maituturing na isang awtoritaryanismo.

“Nakikita natin dito na ito ‘yung mga indikasyon na anyo ng awtoritaryanism na pamamahala na hindi ito ‘yung prisipyo ng demokrasya at pagtataguyod ng karapatang pantao.”

“Pinapakita nila we can do whatever we want and we can justify under the law,” ayon naman kay USA President, Hakbang ng Maisug, Atty. Arnedo Valera.

Sa kabilang banda naman ay nanawagan si Ranque sa kaniyang mga kababayang Dabawenyos na…

“To stand, to speak up, stand for the truth we will have to go to streets and protest the presence of these forces, alam naman natin na si Marcos Jr. ang nagpapadala diyan para silence kayong lahat diyan.”

“Ang lungsod na nasayod mao’y makahatag kusog sa atong demokrasya apan ang lungsod a mapasagaron mao na makapukan sa atong kagawasan,” ani Ben Ranque.

“Ang sambayanang mapag alam ay nag bibigay lakas ng ating demokrasya, ngunit ang sabayanang walang pakialam ay siyang wawakasang ating kalayaan.”

More in National News

Latest News

To Top