Connect with us

Davao martial law, hakbang para arestuhin ang mga Duterte

davao-martial-law-hakbang-para-arestuhin-ang-mga-duterte

National News

Davao martial law, hakbang para arestuhin ang mga Duterte

Hindi pa rin tinatablan ng hiya ang Philippine National Police (PNP) sa patuloy nilang panggugulo sa religious compound ng the Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City.

Kung titingnan, 12 araw na ang mga ito sa loob ng KOJC religious grounds para isilbi ang arrest warrant kay Sylvia Cemanes.

Si Cemanes at apat na iba pa kasama si Pastor Apollo C. Quiboloy ay humaharap sa matinding paninira ngayon mula sa Marcos Jr. administration gamit ang mga kasong matagal nang dismissable ng korte.

Dahil dito, sinabi ng KOJC legal team, malinaw na harassment ang taktikang ginagamit ng PNP para galitin ang mga miyembro at manggagawa ng simbahan.

“The police right now is causing clear harassment tactic again by forcibly opening the Emerald gate when they have access in Gate 18 and they are (the) ones actually in control of the KOJC compound.

We have reasons to believe that they are doing this in order to provoke the members into anger and arrest them while at the same time gaining free access for things that they would like to introduce into the compound without undergoing the scanning process,” ayon kay Atty. Israelito Torreon ng KOJC.

Para naman kay Mr. Jun Avelino, isang international relations scholar, “Why are they still there? They are really there for another reason because they failed to generate the desired output- their desired output- which is to ignite violence.

They are now about to create one, to justify a state of emergency, to make it appear that there is violence and therefore the government is forced to place the entire city under martial law and when it will be placed under martial law -depending on the level of participation- the Dutertes can be charged with rebellion and these are non-bailable offenses.”

Diin pa ni Avelino na isa ring taga-Davao, ito ang pinakamabilis na gawin para makontrol ang naturang lungsod at gamitin ang mga pulis at sundalo laban sa dating presidente na kung matatandaan ay nagpataas sa kanilang mga sahod at benepisyo.

“So that is the way how to annihilate your political nemesis. This is really troubling and they cannot appoint whoever will run the city government and politically disenfranchise whoever stands in their way.

It’s really saddening and I’m just hoping that the Dutertes and the people of Davao will be circumspect enough not to be baited or not to be lured into going into the trap of this government,” paliwanag ng international relations scholar.

Bukod diyan, kinondena rin ni Avelino ang pag-deploy sa mga pulis Mindanao sa KOJC religious compound.

Saad niya, mukhang nais ng gobyerno na magpatayan ang mga taga-Mindanao sa pangalan ng pulitika.

 

More in National News

Latest News

To Top