Regional
Davao Occidental, niyanig ng magnitude 5.0 na lindol – Phivolcs
Niyanig ang Davao Occidental ng magnitude 5.0 na lindol, 6:54 ng umaga ng Biyernes, May 31, 2024.
Ang epicenter ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ay 75 kilometro Timog Silangan ng Jose Abad Santos.
Intensity I ay mararamdaman sa Kiamba, Malungon at Gian, Saranggani Province; at Digos City, Davao del Sur.
Wala namang inaasahang pinsala mula sa lindol.
