Regional
Davao Region, nananatiling insurgency-free– EASTMINCOM
Nananatiling insurgency-free ang Davao Region sa ilalim ng pamamalakad ng Eastern Mindanao Command (EASTMINCOM).
Ayon pa kay EASTMINCOM Spokesperson Maj. Salvacion Evangelista, wala ring naitalang recruitment activity sa kanilang lugar.
Gayunpaman, hindi aniya sila tumitigil sa kanilang mga operasyon sa ibang lugar na may presensya pa ng mga makakaliwang grupo.
Katulad na lamang sa Caraga na kung saan patuloy ang ginagawang community support programs at community-based activities na pinangungunahan ng 4th Infantry Division.
Samantala, nakatakdang tumanggap ang Mountain Province ng P105M na funding mula sa Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU).
Ang pondo ay para sa mga proyektong may kaugnayan sa pagpapalawak ng kapayapaan at pag-unlad sa probinsya.
Ayon kay OPAPRU Sec. Carlito Galvez, ang pondo ay pagpapakita ng kanilang suporta sa buong Cordilleras lalo na’t itinuturing ang buong rehiyon bilang epicenter ng peace at development dahil malakas doon noong 1980s ang mga kumonistang teroristang grupo.
Maliban sa Mountain Province, mabibigyan rin ng pondo ang Kalinga, Apayao at Ifugao para sa kanilang peace at development projects.