Connect with us

Day of mourning, idineklara sa Ethiopia matapos ang plane crash kaninang umaga

Day of mourning, idineklara sa Ethiopia

International News

Day of mourning, idineklara sa Ethiopia matapos ang plane crash kaninang umaga

Day of mourning, idineklara sa Ethiopia matapos ang naganap na madugong pagbagsak ng eroplano na ikinasawi ng 157 katao.

Hindi pa rin natatapos ang recovery operations ng mga otoridad sa crash site sa bayan ng Bishoftu kung saan 149 dito ay mga pasahero at walo ang crew ng eroplano.

Binubuo ito ng 32 Kenyans, 18 Canadians, walong Americans at pitong British Nationals ang ilan sa mga pasahero

Hindi pa rin malinaw ngayon ang sanhi ng nasabing pagbagsak ng eroplano.

Nagpaabot naman ng kani-kanilang pakikiramay ang maraming mga lider ng iba’t-ibang bansa sa nasabing insidente na pinangunahan ni UN Secretary General Antonio Guterres.

Dahil na rin sa nasabing insidente ay kinikuwestyon ngayon ang bagong Boeing Aircraft.

Dahil ito na ang pangalawang beses sa loob ng anim na buwan na nagkaroon ng aksidente ang Boeing 737 MAX 8 na ang una ay noong Oktubre kung saan bumagsak ang Lion Air Flight sa Indonesia na ikinasawi ng 189 katao.

More in International News

Latest News

To Top