Connect with us

DBM, DOTR, DPWH, suportado ang DOT sa pagpapabuti ng turismo sa bansa

DBM, DOTR, DPWH, suportado ang DOT sa pagpapabuti ng turismo sa bansa

National News

DBM, DOTR, DPWH, suportado ang DOT sa pagpapabuti ng turismo sa bansa

Nasa kabuuang PHP 6.39 bilyon ang inilaan para sa sektor ng turismo sa ilalim ng fiscal year (FY) 2023 National Budget.

Ito ang inilahad ng Department of Budget and Management (DBM), upang suportahan ang Department of Tourism (DOT) sa mga kampanya nito para sa pagtataguyod ng Pilipinas bilang destinasyon ng mga turista.

Bukod dito, nilagdaan naman ng Department of Transportation (DOTr) kasama ng DOT ang isang Memorandum of Agreement (MOA) na magtatatag ng mas magagandang paliparan at daungan para mapabuti ang pangkalahatang tourism experience.

Ang Tourism Road Infrastructure Program (TRIP) sa ilalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay may alokasyon din ng humigit-kumulang PHP 17.69 bilyon.

Nakalaan ito para sa pagtatayo at pagpapabuti ng mga kalsada at pasilidad ng imprastraktura sa mga tourist zone.

Ang DOT ay masigasig din sa pagbuo ng mga tourist rest area, pagtatatag ng tourism assistance call centers para sa kaginhawahan ng mga turista, pagdadala ng turismo sa digital age, at pagpapatupad ng fiscal at non-fiscal incentives sa mga turista.

More in National News

Latest News

To Top