Connect with us

DBM, nagpaliwanag sa P10-B na tapyas sa pondo ng DOH para sa 2024

DBM, nagpaliwanag sa P10-B na tapyas sa pondo ng DOH para sa 2024

National News

DBM, nagpaliwanag sa P10-B na tapyas sa pondo ng DOH para sa 2024

Dinepensahan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang iniulat na tapyas sa pondo ng Department of Health (DOH) sa ilalim ng panukalang 2024 national budget.

Sa isang press briefing sa Malacañang nitong Martes, Agosto 22, sinabi ni Pangandaman na ito ay “congressional initiatives.”

Paliwanag ng kalihim, ang pagbawas sa proposed 2024 budget ng DOH ay kadalasang dahil sa ilang pag-amyenda na ginawa ng mga mambabatas.

Ginawa ng budget secretary ang pahayag nang hilingin sa kanya na ipaliwanag ang P10-B na bawas sa national budget ng health department.

Ipinaliwanag din ni Pangandaman na ilang adjustments ang ginawa sa panukalang pondo ng DOH para sa kinakailangang pagtaas sa Health Facilities Enhancement Program (HFEP) at Medical Assistance for Indigent Patient (MAIP), bukod sa iba pa.

More in National News

Latest News

To Top