Connect with us

Deadline para sa paglilinis ng kalye at sidewalks sa Metro Manila hanggang sa Setyembre 29 na lang ayon sa DILG

Metro News

Deadline para sa paglilinis ng kalye at sidewalks sa Metro Manila hanggang sa Setyembre 29 na lang ayon sa DILG

ITINAKDA na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang final deadline para matanggal ng mga alkalde ang lahat ng sagabal sa kalye at sidewalks sa Metro Manila.

Mayroon na lamang hanggang Setyembre 29 ang mga Metro Manila mayors para linisin ang kanilang mga kinasasakupan.

Una nang sinabi ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na nasa 80 hanggang 90 % nang malinis sa obstruction ang national roads ng National Capital Region (NCR).

Gayunman, nasa 50 hanggang 60 % pa lamang umanong malinis ang mga inner at secondary roads.

Una rito, napaulat na plano ng Caloocan government na humingi ng palugit dahil wala pa silang nakukuhang relocation site para sa ilang residente na nakatira sa mga sidewalk at side streets.

Ulat ni: Karen David

More in Metro News

Latest News

To Top