Showbiz
Death threats kay Subic Mayor Khonghun, pinalagan ni Aiko Melendez
Hindi pinalampas ng aktres na si Aiko Melendez ang pagbabanta ng isang netizen sa buhay ng kasintahan na si Subic Zambales Mayor Jay Khonghun.
Ito ay matapos magpaabot ng umano “advance condolences” ang nasabing netizen kay Mayor Khonghun dahil sa pagkakabilang nito sa narcolist.
Say ni Aiko, foul at tila sumosobra na ang netizen sa naging pahayag nito laban sa kaniyang nobyo.
Hindi aniya madali ang pinagdadaanan ng kaniyang kasintahan na naakusahan sa isang bagay na hindi naman niya nagawa.
Pakiusap ng aktres, bigyan sila ng respeto at pag-unawa sa desisyon nilang manahimik sa gitna ng sitwasyon.
Magugunitang kabilang ang Subic Mayor sa listahan ng 46 na umano’y narco-politicians ni Pangulong Rodrigo Duterte.
DZARNews
