Connect with us

Defense Secretary Lorenzana, nakipagpulong sa defense minister ng Spain

Defense Secretary Lorenzana, nakipagpulong sa defense minister ng Spain

National News

Defense Secretary Lorenzana, nakipagpulong sa defense minister ng Spain

Mainit na sinalubong si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa kanyang unang pagbisita sa ministry of defense ng Spain sa Madrid.

Nakipagpulong si Lorenzana kay Spanish Defense Minister Margarita Robles kung saan tinalakay nila ang mga mutual interest ng dalawang bansa kabilang ang pagpapalakas ng partnerships sa Indo-Pacific region, pagsulong ng multilateral cooperation at pagtugon sa isyu ng climate change.

May be an image of 6 people, people standing and outdoors

Malugod na tinanggap ng kalihim ang gumagandang defense relations sa partner countries sa Europa kabilang ang Spain.

Nagkasundo rin sila na palakasin ang pagtutulungan sa defense industry, palawigin ang pagpapalitan ng mga mag-aaral at defense cooperation.

Lalagdaan din ngayong araw ang kasunduan sa pagitan ng Department of National Defense (DND) at National Intelligence Centre (CNI) ng Kingdom of Spain kaugnay ng “protection of classified information in the field of defense”.

Samantala, dadalo si Lorenzana sa International Defence Industry Exhibition (FEINDEF) 2021 sa Madrid.

More in National News

Latest News

To Top