National News
Defense team ni VP Sara, handa sa desisyon ng SC sa impeachment
Handa ang depensa ni Vice President Sara Duterte anuman ang maging desisyon ng Korte Suprema sa petisyong inihain laban sa impeachment complaint laban sa kanya.
“The defense team is ready. Whatever resolution or action the Supreme Court would have, we are ready,” ani Atty. Sheila Sison, legal counsel ni VP Sara, sa isang forum sa UP College of Law.
Matatandaang naghain ang Pangalawang Pangulo ng petition for certiorari and prohibition upang kuwestyunin ang impeachment process sa Kamara at pigilan ang paglilitis sa Senado.
Kabilang sa kanyang legal team ang Fortun Narvasa and Salazar Law, pati na rin ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte, at kanyang father-in-law na si Atty. Lucas Carpio Jr.
Binigyang-diin ni Atty. Sison kung gaano kabigat ang impeachment process—isang punto na matagal nang binanggit ng yumaong Senadora Miriam Defensor Santiago.
“I agree. It is a stunning penalty. It is a dreadful process. It ruins a life,” aniya.
Giit pa ni Sison, hindi pa man nagsisimula ang pormal na proseso ng impeachment, ay may mga buhay nang naapektuhan dahil sa matinding batikos at negatibong public opinion.
“In fact, I can even go one step further and state the reality that long before the impeachment process has begun, a life is already ruined by accusations made public and with the amount of heavy criticisms made for public consumption without the benefit yet of a trial.”
Sa kaparehong forum ay nandoon din si San Juan City Representative Ysabel Maria Zamora na kabilang naman sa mga prosecutor ng impeachment case.
Iginiit nito na bahagi ng prosekusyon kaya niya tinanggap ang papel dahil sa kanyang tungkulin bilang bahagi ng House Committee on Justice.
