National News
Deklarasyon na ang 2020 National Budget ay pork free, ikinalugod ng mga lider sa kamara
Ikinalugod ng mga lider sa kamara ang naunang pahayag ni Sen. Ping Lacson na ang 2020 National Budget ay pork free.
Ayon kay Majority Leader Martin Romualdez ito ay isang welcome move at patunay lamang sa pagkilala ng senador sa pagpupunyagi ng kamara upang matiyak na walang pork ang panukalang budget sa 2020
Tama rin anya ang mungkahi na i-adopt ng senado ang naaprubahang 2020 National Budget ng kamara na nagpapatunay na ang ipinasang panukala ay naaayon sa konstitusyon.
Maging si Speaker Allan Peter Cayetano ay sumang-ayon dito.
Sabi pa ng lider ng kamara na mahigpit nang pinatutupad ng kongreso ang line item budgeting upang matiyak ang transparency at accountability sa pondo ng bayan.
Samantala, abalang-abala ngayon ang kamara sa muling pagbabalik ng sesyon.
Sa pagsimula, lumabas ang mayorya ng mga kongresista para suportahan ang christmas lighting ceremony kung saan ay hinikayat ni Speaker Cayetano ang mga kapwa nya mambabatas na magbigay donasyon para sa kapakanan ng ilang empleyado.
Naipasa naman sa ikatlong pagbasa sa sesyon ng kamara ngayong hapon ang pagpapaliban ng May 2020 Barangay at Sangguniang Kabataan election.
Bing Ayang