National News
Dekriminalisasyon sa paggamit ng iligal na droga, isusulong
Isusulong ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na i-decriminalize ang paggamit ng iligal na droga para mabawasan ang dami ng mga nakakulong sa mga piitan.
Paliwanag nya, ang drug users ay dadalhin nalang sa mga rehabilitation center.
Ang panukala ay para narin matugunan ang drug addiction bilang isyu sa kalusugan sa halip na isang usapin sa pagpapatupad ng batas.
Nilinaw lang ni Dela Rosa na ang saklaw ng kanyang panukala ay ang users lang at hindi ang pushers, manufacturers at traffickers.
