Connect with us

DENR, MMDA at PRRC, pinangunahan ang technical inspection sa Pasig River

technical inspection sa Pasig River

Section

DENR, MMDA at PRRC, pinangunahan ang technical inspection sa Pasig River

NAGSASAGAWA ng inter-agency technical inspection sa Pasig River ang mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) sa Pasig River.

Pinangunahan mismo ang pag-inspeksyon nina DENR Secretary Roy Cimatu at MMDA Chairman Danilo Lim.

Kabilang sa ininspeksyon ng mga opisyal ang isinagawang paghahakot ng mga water lily sa nasabing ilog kung saan nasa 300 sako kada araw ang nakokolekta rito.

Sinabi naman ni Environment Undersecretary Benny Antiporda na ilan sa problema na dapat matugunan dito ay ang mga informal settlers sa Pasig River partikular na sa Baseco Compound sa Manila City.

Ang mga bahay na itinayo mismo sa Pasig River ay hindi lamang labag sa 10-meter easement zone dahil deretso rin sa ilog ang kanilang mga dumi.

 

DZAR1026

More in Section

Latest News

To Top