Connect with us

DENR, nanawagan sa mga barangay official na tumulong sa rehabilitasyon sa Manila Bay

rehabilitasyon sa Manila Bay

Metro News

DENR, nanawagan sa mga barangay official na tumulong sa rehabilitasyon sa Manila Bay

Nanawagan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga lider ng barangay na gawin ang kanilang parte sa rehabilitasyon sa Manila Bay.

Sinabi ni Environment Secretary Roy Cimatu na malaki ang tiwala niya na maipatutupad ng tama ng mga opisyal ng barangay ang environmental laws, partikular ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 at Philippine Clean Water Act of 2004.

Nakasalalay aniya sa mga pinuno ng mahigit 200 na barangay sa paligid ng  river systems ng

  • Pasig-Marikina-San Juan,
  • Muntinlupa-Parañaque-Las Piñas-Zapote at
  • Malabon-Tullahan-Tinajeros

ang paglilinis sa ilog at sa iba pang mga daluyan ng tubig na dumi-diretso sa Manila Bay.

Dagdag ng kalihim, nakahanda silang tulungan ang mga barangay official sa pagtupad ng kanilang tungkulin, kabilang ang relokasyon sa illegal settlers sa kahabaan ng mga estero at ilog.

 

More in Metro News

Latest News

To Top