Sports
Deontay Wilder, muling makikipaglaban kay Tyson Fury ngayon summer
Muling makikipaglaban si Deontay Wilder ngayong summer kontra kay Tyson Fury sa pangatlong pagkakataon.
Ito ang kinumpirma ni Frank Warren, boxing promoter ni Wilder mtapos aniyang tanggapin ng kampo ni Fury ang kanilang hamon.
Ang nasabing laban ay nakatakdang gawin sa Estados Unidos sa katapusan ng Hunyo o sa unang linggo ng Hulyo.
Magugunitang tinalo ni Fury si Wilder nitong nakaraang buwan at nagawa nitong maagaw ang WBC Heavyweight Title.
Naging kontrobersyal naman ang unang paghaharap ng dalawang boksingero noong 2018 kung saan nauwi sa draw ang resulta ng kanilang sagupaan.