National News
Department of Disaster Resilience, malaki ang tsansang maisabatas – Cong. Salceda
Malaking ang tsansang maisasabatas ang panukalang ayon kay Albay 2nd Disrict Representative Joey Salceda.
Sa panayam ng SMNI News, sinabi ni Salceda natapos na ng Kongreso kahapon ang requirements para makapasok ang DDR sa plenaryo at handa na ang panukalang-batas para isalang sa plenary debates sa darating na Lunes.
Aniya, “Kumbaga yung mga requirements para po makapasok siya sa plenaryo eh natapos na kahapon dahil na-aprubahan na po kahapon, dumaan na rin sa committee ko. Ready na po yan for the plenary debate. Sa Lunes po magre-resume po yung pag-consider po sa plenaryo. Mukhang mas malaki po ang tsansa ngayon kaysa dati kasi unang-una, tatlong beses na itong ipinanawagan ng ating pangulo sa SONA.”
Ayon pa sa Kongresista, kukunin ang pondo ng DDR mula sa calamity fund mula sa iba’t ibang ahensya na nagkakahalaga ng P20 billion at kinakailangan pa ng karagdagang P2 bilyong pisong pondo.
Pahayag ni Salceda, “To get the department up and running kelangan po ng mga P2 billion lang kasi may dati ng P20 billion po na calamity fund, siya na po yung magpapatakbo, kasi ngayon yung calamity fund (naka)-designate po sa DPWH, sa mga bawat department, ngayon po, buong calamity fund siya na po magpapatakbo.”
Sakaling maisabatas ang DDR, matatanggal na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDDRMC) at ang DDR na inaasahang mangunguna sa pangangasiwa sa oras ng kalamidad.