National News
Department of Disaster Resilience, tiniyak na maaaprubahan
SINIGURO ni House Majority Leader Martin Romualdez ang agad na pag-apruba ngayong 18th Congress ng panukala tungkol sa pagkakaroon ng Department of Disaster Resilience (DDR) na siyang solong ahensya na tutugon sa disaster response ng bansa.
Ayon sa kongresista na siya ring chairman ng Rules Committee, mas magiging epektibo ang Disaster Risk Reduction and Management ng pamahalaan, mababawasan din ang epekto o pagkasira ng mga lugar na matatamaan ng kalamidad gayundin ang pagtuturo na maging disaster resilience ang mga lokal na komunidad sa parehong natural disaster at climate change.
Paliwanag pa ni Romualdez, kung magkakaroon ng ahensya na para lamang sa disaster ay ginagarantiya nito ang mas synchronize at close coordination sa lahat ng lugar sa bansa kung saan hindi na made-delay ang anumang tulong na kakailanganin ng isang lugar na winasak ng kalamidad.