Connect with us

DepEd, bukas na tulungan si VP Duterte sa aktibong pagtugon sa mga hamon ng basic education

Bukas ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) na tulungan si Bise Presidente Sara Duterte sa aktibong pagtugon sa mga hamon ng basic education.

National News

Malugod ding tinatanggap ng kagawaran si Duterte na siyang susunod na DepEd secretary.

Ayon kay outgoing Education Secretary Leonor Briones, nakahanda ang kanyang team para matiyak na maayos ang transisyon ng mga prayoridad na programa at polisiya ng edukasyon.

Partikular ang Basic Education Development Plan 2030 na siyang makatutulong sa paparating na administrasyon sa pagpatutupad ng mga karagdagang reporma.

Nananawagan rin ang DepEd sa mga stakeholder, kabilang ang mga guro, non-teaching personnel, field officials, magulang, at partners, na magkaisa at magtulungan muli sa pamumuno ni VP Sara, para sa benepisyo ng kabataang Pilipino.

More in National News

Latest News

To Top