National News
DepEd, pinangangambahan ang budget para sa mga paaralang gumuho sa lindol
Nangangamba ang Department of Education (DepEd) para sa pondo na gagamitin sa pagsasa-ayos ng mga paaralan na sinira ng lindol sa Mindanao.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, baka kulangin ang budget dahil sa sunod-sunod na sakuna tulad ng lindol.
Nag-request naman na sila ng pondo mula sa National Disaster Coordinating Committee sa ilalim ng Office of the President.
Pinag-aaralan din ng DepEd kung maaari nilang gamitin ang sariling budget para ayusin ang mga nasirang paaralan.
Matatandaang nasa 273 paaralan ang naitalang nasira noong unang lindol sa Mindanao noong a-16 ng Oktubre na nadagdagan pa sa naganap na lindol sa North Cotabato kahapon.
Aabot sa halos anim na libong klase sa Mindanao ang suspendido ngayon dahil sa lindol.