National News
DepEd, nilinaw na walang ‘auto-pass’ sa mga estudyante sa mga pampublikong paaralan
Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na walang umiiral na polisiya ng auto-pass sa pampublikong paaralan sa Pilipinas.
Sa gitna ito ng lumalalang usapin tungkol sa mass promotion kung saan naipapasa ang mga estudyante sa susunod na baitang kahit hindi nila natutugunan ang pamantayan sa pagkatuto.
Gayunpaman, inamin ni Angara na maaaring may mga umiiral na sistemang nakasanayan at mga pressure na tahimik na humihikayat sa mga paaralan at guro na ipasa ang mga estudyante anuman ang kanilang aktwal na performance.
Posibleng nagiging ‘silent norm’ o tahimik na pamantayan na ito sa mga paaralan kung kaya’t sinabi ng DepEd na tututukan at babaguhin nila ang isyu.
