Connect with us

DepEd, pinabibilis ang pag-aresto sa mga suspek sa pagpatay sa grade 9 student sa Lapu-Lapu City

pagpatay sa grade 9 student

Regional

DepEd, pinabibilis ang pag-aresto sa mga suspek sa pagpatay sa grade 9 student sa Lapu-Lapu City

Mariing kinundena ng Department Of Education (DepEd) ang brutal na pagpatay sa grade 9 student na natagpuan sa isang bakanteng lote sa Lapu-Lapu City, Cebu kahapon.

Sa press statement, nanawagan ang DepEd sa mga otoridad sa agarang pag-aresto sa mga suspek sa pagpatay sa 16-anyos na estudyante ng Maribago High School.

Nagpaabot din ng pakikiramay ang ahensya sa pamilya ng biktima.

Kasunod ng insidente, nag-isyu na ng memorandum ang DepEd School Division Office ng Lapu-Lapu na nagpaalala sa lahat ng pampubliko at pribadong elementary at secondary school na paigtingin pa ang seguridad sa paaralan.

Kabilang dito ang hanggang

  • alas singko lamang ng hapon ang mga school presentations at iba pang aktibidad sa paaralan ng mga estudyante;
  • payuhan ang mga bata na magdala na lang ng kanilang pagkain upang hindi na lumabas ng eskuwelahan para bumili.

Pinatitiyak din ang full functional cctv cameras sa paligid ng paaralan at kung maaari ay humiling karagdagang presensya ng mga pulis o tanod at pinapayuhan din ang mga mag-aaral na grupo maglakad sa kalsada lalo na kung gabi.

 

DZARNews

Continue Reading
You may also like...

More in Regional

Latest News

To Top