Regional
DepEd Rizal at kasundaluhan, lumagda sa isang kasunduan na magpoprotekta sa mga mag-aaral sa kolehiyo na marecruit ng mga NPA
Nilagdaan sa pagitan ng 80th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army (PA) at ng Department of Education (DepEd) Rizal ang isang Memorandum of Partnership Agreement (MOPA).
Kasama sa mga lumagda ay sina Schools Superintendent Dra. Doris DJ. Estalilla at ang Battalion Commander ng 80IB na si LtCol. Mark Antony Ruby.
Ito ay kaugnay sa Community Information Awareness and Approach Program (CIAAP).
Kaakibat nito ang mga paaralan sa lalawigan ng Rizal na naglalayong maiwasan ang pagrekrut sa mga mag-aaral sa darating na pag-aaral nila ng kolehiyo.
Sa bisa ng Memorandum of Peace Engagement (MOPA) patuloy na paiigtingin ng 80IB ang kanilang information awareness sa mga paaralan.
Ito rin ay isa sa kanilang mga paraan upang kontrahin ang propaganda ng komunistang teroristang grupo sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
