COVID-19 UPDATES
DEPED Sec. Leonor Briones, nagnegatibo na sa COVID-19
Nagnegatibo na sa Coronavirus Disease 2010 (COVID-19) si Education Secretary Leonor Briones.
Sa Twitter account ng DEPED, inihayag dito na base sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH) ay negatibo na sa COVID-19 testing ang 79-anyos na kalihim.
Matatandaang April 9 nang inanunsiyo ng DEPED na nagpositibo sa sakit si Sec. Briones at sumailalim na sa self-quarantine.
Gayunmanpaman, asymptomatic o walang ipinakitang sintomas si Briones.