National News
DepEd, walang natanggap na request mula sa PNP
WALANG natanggap na anumang request mula sa Philippine National Police o PNP ang pamunuan ng Department of Education o DepEd.
Ito ang naging paglilinaw ng kagawaran kaugnay sa kumakalat na profiling o inventory.
Ito’y para sa mga miyembro ng Act Party List sa pangunguna ng Philippine National Police.
Sa ilalim ng isang panuntunan sinabi ng DepEd na kailangan munang kumuha ng request ang PNP sa anumang layunin ito gagamitin.
Sa ilalim ng standard operating procedure, kailangan munang pag aralan ng DepEd ang rason sa alinmang request o kahilingan.
Para hingin ang personal na impormasyon ng kanilang mga guro sa bansa.
Sa kabila ito na suportado ng kagawaran ang right to information.
Ayon kay DepEd Usec Napomuceno Malaluan, walang opisyal na sulat mula sa PNP na dumating sa kanilang tanggapan.
Kung kayat maigting na nagpaalala ang kagawaran sa lahat ng regional DepEd offices.
Aniya ay huwag magbigay ng anumang impormasyon ng mga guro sa bansa ng walang basbas ng central office
Pag-aaralan din ng DepEd ang posibleng parusa na pwede ipataw sa mga guro o eskwelahan na tatalima sa umanoy request ng PNP.
Matatandaang, lumabas ang isyu dahil sa pangamba ng PNP na maaaring miyembro ng terorista o rebeldeng grupo ang mga kawani ng Act Teachers.
Nauna nang pinabulaanan ito ng Makabayan bloc sa Kamara kung saan miyembro dito ang Act Teachers sa nasabing paksiyon.