National News
Deployment ban ng mga Pinoy workers sa Hong Kong, pinabulaanan ng DOLE
Pinabulaanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na may inilabas silang kautusan para sa mandatory repatriation o deployment ban sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa Hong Kong sa gitna ng mga kilos protesta doon.
Ito ang nilinaw ni Labor Sec. Silvestre Bello III kasunod ng mga kumakalat na maling impormasyon sa mga social media posts.
Sinabi ni Bello na hindi pa rin itinataas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang alert level na siyang magsisilbing basehan para sa mandatory repatriation ng mga pilipino sa hong kong.
“Right now there is no communication from the DFA and even from the consulate of Hong Kong regarding the possibility of repatriation, either voluntary or mandatory. We are in close coordination with the DFA for any development,” sabi ni Bello.
Nanawagan naman ang kalihim sa publiko na sa mga news advisories lamang ng DOLE at Philippine Consulate makinig o maniwala sa mga impormasyon.
“I urge the public to ignore this fake news on the internet. For those spreading it, please stop and let us not aggravate the situation and endanger our OFWs. We should help our OFWs there by not giving them false news about [mandatory] repatriation,” dagdag ni Bello.
Kaugnay nito, pinayuhan ni Bello ang mga Pinoy sa Hong Kong na manatili sa loob ng bahay kung kinakailangan at iwasan ang pagsuot ng puti o itim na damit sa mga kalsada para hindi mapagkamalan na kabilang sa mga raliyista.
