National News
Dept. of Agriculture at DSWD, bubuo ng kasunduan para matulungan ang mga Local Farmers
NAKATAKDANG lumagda sa isang kasunduan ang Department of Agriculture at ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para matulungan kumita ang mga Local Farmers.
Kasunod ito ng pagdaing ng ilang grupo ng magsasaka dahil sumadsad na sa hanggang pitong piso ang presyo ng kada kilo ng palay na isinisisi nila sa pagpapatupad ng Rice Tarrification Law.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, target ng na gawing pa-bigas na lang ang Rice Subsidy na animnaraang piso na karaniwang ibinigay na bahagi ng cash grant para sa mga benepisaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program O 4ps.
Inaasahang masisimulan ang sistemang ito sa darating na Oktubre.
DZAR1026
