Connect with us

Desalination para magkaroon ng inuming tubig, ikinokonsidera ng DENR para sa island barangays ng bansa

Desalination para magkaroon ng inuming tubig, ikinokonsidera ng DENR para sa island barangays ng bansa

National News

Desalination para magkaroon ng inuming tubig, ikinokonsidera ng DENR para sa island barangays ng bansa

Ikinokonsidera na ng Department of Environment and Natural Resources  (DENR) ang desalination o ang proseso kung saan ginagawang inuming tubig ang tubig-dagat para sa mga maliliit na island barangay ng bansa.

Bilang bahagi ito ng kanilang solusyon sa ipinag-utos ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na bigyan ng access sa tubig ang nasa 40-M na mga Pilipino.

Ang desalination ay ginagawa na sa Middle East gaya ng Saudi Arabia, United Arab Emirates, Kuwait at Bahrain dahil napapalibutan rin ang mga ito ng dagat.

Posibleng nasa P5-M hanggang P8-M ang kailangang pondo para sa isang water treatment plant ayon sa DENR.

Kung matutuloy, tinatayang nasa 65 na island barangay ang magiging benepisyaryo sa ideyang ito.

Matatandaang sinabi ni PBBM na ikinalulungkot nito ang sitwasyon ng nasa 40-M Pilipino dahil mga bukal, creek at tubig-ulan lang ang source nila para sa kanilang inuming tubig.

More in National News

Latest News

To Top