National News
Desisyon ng Marcos admin na hindi na umanib sa ICC, pinaboran ni Pastor Quiboloy
Hinangaaan ni SMNI Honorary Chairman Pastor Apollo C. Quiboloy ang desisyon ng Marcos admin na hindi na umanib sa International Criminal Court (ICC).
Punto ni Pastor Apollo, gumagana naman ang ating justice system at maging ang iba pang sangay ng gobyerno.
Matatandaan na ang ICC ay nagbigay ng deadline ng hanggang Sept 8 sa gobyerno para sa magiging pahayag nito kaugnay sa pagbubukas ng imbestigasyon hinggil sa war on drugs.
Pagdating sa imbestigasyon patungkol sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Pastor Apollo, dapat sa Pilipinas ito imbestigahan.
