Connect with us

Desisyon ni FPRRD sa politika, susuportahan ng pamilya – VP Sara

Desisyon ni FPRRD sa politika, susuportahan ng pamilya - VP Sara

National News

Desisyon ni FPRRD sa politika, susuportahan ng pamilya – VP Sara

“Mapilitan ako its either I will run for senator or I will run for vice president maski matanda na ako,” ayon kay former Pres. Rodrigo Duterte.

Iyan ang naging babala ni dating Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga nais magpatalsik sa kaniyang anak na si Vice President Sara Duterte.

Sinabi iyan ng dating pangulo sa kaniyang programang Gikan sa Masa Para sa Masa sa gitna ng umuugong planong impeachment ng ilang kongresista laban kay Vice President Sara.

Ito naman ang naging reaksiyon ng pangalawang pangulo sa sinabi ni Pangulong Duterte.

“Kung ano man iyong desisyon ni Pangulong Duterte ay buo ang suporta ng pamilya sa kaniya. Just like kung ano man yung desisyon naman na mga anak regarding sa pulitika buo rin yung suporta ng pamilya sa amin. Ganoon din ang suporta namin sa desisyon ni Pangulong Duterte,” ayon naman kay Vice President Sara Duterte.

May komento naman si Vice President Sara patungkol sa isyu na hindi niya umano pinansin si House Speaker Martin Romualdez sa arrival ni Pangulong Bongbong Marcos mula Amerika.

“Hindi ko nakita. Hindi ko nakita yung nasa social media. Hindi ako makacomment.”

“Wala akong nakita,” dagdag pa ng pangalawang pangulo.

Samantala, pinangunahan ni Vice President Sara ang kulminasyon ng National Reading Month sa Esteban Abada Elementary School sa Quezon City nitong Martes ng umaga.

Aminado ang pangalawang pangulo sa problemang kinakaharap ng Department of Education (DepEd) kung saan mababa ang ranking ng mga Pilipinong estudyante sa Programme for International Student Assessment pagdating sa reading comprehension.

Karamihan pa aniya sa mga kabataan sa henerasyon ngayon ay mas nawiwiling mag-gaming kaysa magbasa.

Kasabay pa nito aniya ang problema sa learning losses bunsod ng COVID-19 pandemic.

“Nakikita natin na hindi talaga maganda yung kalidad ng edukasyon. At sisimulan talaga natin dapat na matuto ang mga bata na magbasa. And marami talaga tayong mga non-readers at tsaka marami tayong mga slow readers,” giit ng bise presidente.

Upang tugunan ito ani Vice President Sara, ilalaan ng DepEd ang Biyernes kada linggo para sa ‘catch-up Friday’ simula sa January 2024.

Sa ‘catch-up Friday’ walang ibang gagawin ang mga bata kundi ang magbasa sa buong araw.

Ang marunong ng magbasa naman ay tuturuang magsulat ng essay at libro kasabay ng paghasa ng kanilang critical at analytical skills.

Bukod sa reading, kabilang din sa mga subject na bibigyang-pansin ng DepEd tuwing ‘catch-up Friday’ ay health, values, at peace education.

Sa ngayon ayon kay Vice President Sara, binabalangkas na nila ang guidelines na nakatakdang ilabas sa December at ipatutupad simula January 12 sa susunod na taon.

“Ito yung strategy natin sa paghahabol sa part ng ating learning recovery program. Dahil nakita natin na ginagawa naman lahat ng noon pero hindi pa rin nag-improve ang performance ng ating mga learners particularly sa international assessments.”

“Dapat mag-allot tayo ng isang araw talaga na wala nang ibang gagawin ang ating mga mag-aaral and mga teachers kundi humabol sa kung ano yung dapat matutunan ng mga bata,” pahayag pa ni VP Sara.

Kasabay ng National Reading Month, inilunsad ng pangalawang pangulo ang kaniyang inakdang librong pambata na may pamagat na “Isang Kaibigan.”

Aniya inspirasyon niya ang mga kabataang Pilipino sa pagsulat ng nasabing libro na isang kwento tungkol sa halaga ng tunay na pagkakaibigan at kabutihan.

More in National News

Latest News

To Top