Connect with us

Desisyon sa pagkakaroon ng mail voting, ipinaubaya sa COMELEC

Ipinaubaya na ng Malacañang sa Commission on Elections (COMELEC) ang desisyon hinggil sa pagkakaroon ng mail voting sa bansa sa 2022 elections.

National News

Ito ay matapos ang mungkahi ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon na pagsasagawa ng mail voting para sa mga senior citizens, buntis at persons with disability sa eleksyon dahil sa banta ng COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kanilang iginagalang ang rekomendasyon ni Guanzon.

Paliwanag pa nito, constitutional body ang COMELEC na siyang nangangasiwa sa pagpatutupad ng batas at mga regulasyon pagdating sa halalan kung kaya naman nararapat lamang na ito ang magpasya hinggil sa panukalang mail voting.

Hindi naman tiyak ng kalihim kung kakailanganin pa ang pagamyenda sa omnibus election code upang maipatupad ang naturang suhestyon.

More in National News

Latest News

To Top