National News
DFA, hihigpitan na ang kanilang pagbibigay ng tourist visas sa Chinese nationals
Hihigpitan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kanilang pagbibigay ng tourist visas sa mga Chinese national.
Simula ngayong linggo ay ipatutupad ng DFA ang kanilang bagong panuntunan gaya nalang ng pagpapakita ng 1 tourist visa applicant ng social security documents kasabay ang government IDs, bank statements at employment certificates.
Mula din sa 3 ay nasa 10 na ang tatanggapin nilang minimum na bilang para sa group applicants.
Bahagi ito ng kanilang pag-iingat upang hindi makapasok sa bansa ang mga hindi kaaya-ayang indibidwal at sindikato na magtatrabaho o may ugnayan sa iligal na mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
