National News
DFA, hindi isasapubliko ang kinaroroonan ng Afghan Refugees
Nanindigan si Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. na hindi nila isasapubliko ang kinaroroonan ng Afghan Refugees para na rin sa kaligtasan ng mga ito.
Ang pahayag ng kalihim ay kasunod sa pagkumpirma ni Locsin na unang batch pa lamang ang dumating kagabi na refugees mula sa Afghanistan.
Partikular na binibigyan ng prayoridad ng pamahalaan ang mga babae at batang refugees gayundin ang mga biktima ng karahasan sa Afghanistan.
Sa kabila naman nito ay tiniyak ni Locsin na hindi siya tatanggap ng rekomendasyon ng non-government organizations sa pagpasok ng Afgan refugees sa Pilipinas.
Ayon kay Locsin, layon nito na maiwasan ang katiwalian sa pagtanggap ng Pilipinas sa mga Afghan na lumisan sa kanilang bansa.
Sinabi pa nito na baka lang kasi aniya na may matutukso at pagkaperahan ang pagpasok sa bansa ng Afghan refugees lalo na kung maraming pera ang Afghan refugee o may bank deposits ito sa iba’t ibang mga bansa.
