National News
DFA, magbubukas ng Embahada ng Pilipinas sa Ukraine
Magbubukas ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng embahada sa Ukraine.
Inanunsyo ito ni DFA Secretary Teodoro Locsin Jr. matapos ang pagkikita nilang dalawa ni Ukrainian Deputy Foreign Minister Dmytro Senik sa Manila.
Kung matatandaan, honorary consulate lang ang meron ang Pilipinas sa Ukraine.
Ang Embahada ng Pilipinas lang sa Poland ang nagmomonitor sa mga Pilipino na nasa Latvia, Lithuania, Estonia at maging sa Ukraine.
Sa pagkikita nina Locsin at Senik, natalakay ng dalawa ang digmaan sa pagitan ng Ukraine at Russia, mga paraan para pagtibayin ang ugnayan sa pagitan ng Manila at Kyiv at kung paano mapalago ang kooperasyon hinggil sa ekonomiya.
Ito na rin ang dahilan kung bakit naisipan ng DFA ang magtayo ng embahada sa Ukraine.